. stupid boys. .
Friday, June 02, 2006
7:52 PM
I'm already warning you, this is one of those posts that shouts "man-hater". I'm not a man-hater but there are just times when I hate boys. And this is one of those times. I also want to make it clear that I am talking about an actual guy here, I just won't say who.
Bakit ba iniisip lagi ng mga lalaki na sila dapat ang "boss" sa isang relationship?? Dapat sila ang masusunod, sila ang pakikinggan, sila ang pwedeng magsabi kung ano ang dapat mong gawin. Buti sana kung siya yung gumagastos palagi eh, (although, kahit na siya ang laging nagbabayad ng kung ano-ano, mali pa rin yun) eh ang kaso, girlfriend niya ang gumagastos sa halos lahat. Ang girlfriend ang gumagawa ng paraan para magkita sila. Dahil walang pera si lalaki, ayus lang na si babae na ang gumastos sa date nila para lang magkita sila. Tapos, siya pa rin ang boss?? KAPAL talaga!
Tapos, etong si lalaki, hindi pa makapagpromise na di na talaga siya mangbababae!! All we girls want in a relationship are love, trust and loyalty. Kahit nga trust, di pa maibigay, samantalang si lalaki na nga ang HINDI MAKAPAGPROMISE na hindi na siya mangbababae. Ang kapal naman ng mukha ni lalaki na paghinalaan ang girlfriend niya kung siya mismo, hindi mabigay ang loyalty na gusto ng babae.
Isa pa, alam na ni lalaki na wala siyang pera, di pa siya gumawa ng paraan. Di ba niya alam na baon na sa utang si babae para lang mabigyan din siya ng pera?? Hiyang-hiya na si babae pero dahil mahal niya si lalaki, ginagawa niya yun. Eto namang lalaking toh, di man lang makaisip na gumawa ng paraan para magkapera. Sige, okay, may problema na sila sa pamilya niya pero KUNG GUSTO MAY PARAAN. Nasasarapan ka yata ang ang girlfriend mo na lang ang laging gumagastos para sayo eh.
NOW, nawala ka ng mahigit isang buwan, nagcheat sayo ang girlfriend mo, pagbalik mo, tinapos na niya at inamin niya sayo, sasabihan mo pa siya ng sinungaling?? Inamin na nga niya sayo eh, at nagsorry pa siya, lumuhod pa siya sa harap mo. Hindi siya nagsinungaling. Okay, nag-cheat nga siya sayo, pero isipin mo, gagawin ba niya un kung wala kang pagkukulang sa kanya?? Nawala ka ng mahigit sa isang buwan. Buti sana kung araw-araw nagpaparamdam ka, eh kung magtext ka isang beses sa dalawang linggo eh!! Anong gusto mong gawin ng girlfriend mo? Magkapakasenti dahil wala ka?? Baliw.
Buti rin sana kung IKAW naging faithful din in the course of that one month. PERO HINDI EH, nag-cheat ka din. Nangbabae ka din. At sigurado ako, kung hindi inamin sayo ng babae na nagcheat siya, hindi mo rin sasabihin na ginawa mo yun. Ang kapal ng mukha mo eh. O yan, you're even. She cheated on you and you cheated on her. Actually, lamang ka pa nga rin eh, dahil nagcheat ka na dati, pero she forgave you.
After all this, what do you do to her? You ruin her life. You are so selfish that you ruin the life of someone who loves you so much. Masyado mo kasing iniisip na ikaw ang boss at ikaw lang ang masusunod. Sinira mo na buhay niya.
Sa totoo lang, sa una pa lang, hindi na kita gusto. Dahil mahal ka ng kaibigan ko, tinanggap na kita. Di ko naman pedeng diktahan ang kaibigan ko. Tama lang pala ang pagjudge ko sayo, you don't deserve her. Sana wag na kitang makita kahit kailan kasi wala kang kwentang tao. Ginamit mo lang ang kaibigan ko to be one of your trophies. Samantalang ikaw, di ka niya maipagmalaki. Ang kapal kasi ng mukha mo eh.
Bwisit ka. Go to hell.
|
|