. Tambay sa Library. .

Monday, August 07, 2006
12:29 PM

dundundun

Wala nanamang klase kaya eto, tambay ulit ako naga-update ulit ako ng blog. hehe.

Hay... tomorrow, no classes ulit. Ang saya ng buhay ng mga Thomasians noh? Pagbirthday ng kung sinong dean, walang pasok; pagfeast day ng isang santo, walang pasok; pagnamatay ang isang EX-dean, wala nanamang pasok. Saan kaya napupunta ang malaking tuition na binabayad namin kung laging walang pasok??

Okay, so di naman talaga laging walang pasok. Minsan naman, may pasok, pero walang klase. Tulad ngayon, today!! Pumasok ako ng 7am for my PhyAna (ayoko ng ielaborate, pangit ang simula ng araw ko!), then, maagang natapos kasi may quiz(yun ang dahilana kung bakit sira ang araw ko...) so maaga ang dismissal. Dahil hindi pa ako nakakapagbreakfast, kumain muna ako sa McDo. :)

Pagbalik ko sa Main, I saw this notice sa may monitor ng guard ordering all BS Phar freshmen to proceed to the Medicine Auditorium for orientation. E di ako naman nagulat...does this mean...? and I was right. Nung umakyat ako sa supposed classroom kong 212, walang tao. Wala akong Phar1 so baba ulit ako at tinanong ko sa guard kung hanggang anong oras ang orientation. Sabi ng guard, hanggang 12 daw. My next class was supposed to be at 12 (THY1), eh ano namang gagawin ko sa UST sa loob ng 4 hours? Ayun, umuwi muna ako.

Tinext ko yung isang classmate ko sa THY1 at tinanong ko kung may Theo pa, sabi niya di siya sure kasi daw hanggang 12 ang orientation at kakain pa sila ng lunch. Sabi ko itxt ako kung meron o wala. Dahil wala akong natanggap na text, kinailangan kong umalis ng bahay ng 11 para makapasok sa theo KUNG may theo. Pero pagdating ko, ayun, empty classroom din.

I'm not being a hypocrite here, I LOVE it when there are no classes. Pero kung lagi naman tulad ng nangyayari ngayon, eh sobra na naman yun. Sa Aug 28 exams nanaman, bayaran ng tuition. Sayang lang ang binabayad, marami na ngang suspension dahil sa weather, tas meron pang mga suspensions dahil sa kung anong reason.

Naku, nagrereklamo na naman ako.

Ay, ay! meron naman isang magandang nangyari ngayong araw na toh. :) Nagpagupit si CRUSH!!!!! Gwapo niya, mas hawig na niya tuloy si Julian ngayon. Hay, pagpasok pa lang niya ng room, parang nagslow-mo eh tas parang may malakas na hangin na tumama sa mukha ko. Hahahahaha! Tama na nga...hehe.

Toodles!

blah-blah-blah by www.Bigoo.ws www.Bigoo.ws www.Bigoo.ws www.Bigoo.ws www.Bigoo.ws
0 comment.comment.comment!

layout for myspace





. StatShit .


Wow, will you look at that,
free invisible hit counter
people cared!!

. Moi .




Patricia Coreen Enriquez
Cha, Pachu, Trish, Patis
19 year old Female
Mandaluyong City, Philippines
University of Santo Tomas
BS Pharmacy
Chocolate/Pasta lover
NBA/UAAP fanatic
Potter Freak
Frustrated Poet/Writer
Frustrated cheer dancer
Big Dreamer


. I'm Wired .


:: Friendster Blog ::
:: Friendster Profile ::
:: Bebo Profile ::
:: Joven ::
:: Arra ::
:: Jill ::
:: Shaula ::
:: Bianca ::

. Speak up! .



. Archives .

May 2006
June 2006
July 2006
August 2006
September 2006


. credits .


designer:kikiline
host

ripway
Bigoo